www.lakbay.wordpress.com

March 12, 2008

Turuan sa Kamusmusan

“Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, At pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.” Kawikaan 22:6

Ito ang katuwirang mababasa natin sa Banal na Kasulatan. Sa gitna ng isang magulong sanglibutan ay makakatanaw tayo ng pagasa para sa mga kabataan. Ang paghubog ng mga musmos na bata sa katuwiran ang kanilang magiging matibay na pundasyon na magiging kasangkapan at giya nila hanggang sa pagtanda.

Salamat sa Dios na dahil sa mga natututunan nating mga ganitong katuwiran at dahil na din sa pangangaral ni Kapatid na Eli Soriano at Kapatid na Daniel Razon ay naipamulat sa atin ang mga ito.

Ngayon hindi na tayo mahihirapan upang turuan ng kabutihan ang ating mga mahal na anak dahil sa programang KNC Show na kinapapalooban ng mga mabubuting aral mula sa Biblia.

Mapapanood natin ang KNC Show sa UNTV37 tuwing Lunes hanggang Biernes, alas-5 hanggang alas-5:30 ng hapon.  At ngayun, pati sa youtube ay maaari na nating mapanood sa youtube.com/kncshow .

Mga magulang at mga bata, tara na, nood na tayo ng KNC Show!

August 4, 2007

Joy Ride

Sa hirap ng buhay ngayun sa ating bansa, hindi ba napasarap mabalitaan na may samahang handang tumuwang sa buhay ng ating mga mahihirap na kababayan?

Sa pagtutulong-tulong ng UNTV Channel 37 at Ang Dating Daan, muli ay inilulunsad ang isa na namang proyektong kapaki-pakinabang para sa mamamayan ng bansang Pilipinas. Ito ay ang “Libreng Sakay” na inihahandog ni Bro. Eli Soriano at ni Bro. Daniel Razon para sa ating lahat.

July 20, 2007

Songs of Love…

Filed under: Songs of Praises, Tanging Awit, Uncategorized — alvinmatias @ 8:16 am

Nasa harap ka ba ng PC at sawang-sawa ka na sa music na paulit-ulit sa playlist mo? Why? Sometimes hindi mo feel diba dahil hindi naman makabuluhan ang mga letra.

How about listening to what we have always loved? Songs of Hymns and Praises…

Dati, I always bring CD. Then sometimes, MP3 Player. Pero leave those options and try listening online. Yes, online and through it, magaganap mo ang sinasabi sa Efeso 5:19

Na kayo’y mangagusapan ng mga salmo at mga himno at mga awit na ukol sa espiritu, na nangagaawitan at nangagpupuri sa inyong mga puso sa Panginoon;

Lalo na at nahihilig ka sa paggamit ng internet, o ito talaga ang work mo. Why not leave chatting for a while, and get your earphone or plug mo ang iyong speaker and sing praises or sing in spirit.

Share in your comment.

Listen Now[Tangingawit.com]

Written by Mindee Sevilla

July 9, 2007

Kapatid na Eli Soriano sa mahabang panahon

Filed under: Parangal, Uncategorized — alvinmatias @ 4:30 am

Kawikaan 27:2 Purihin ka ng ibang tao at huwag ng iyong sariling bibig; Ng iba, at huwag ng iyong sariling mga labi.

Gusto mo bang makita ang mga parangal kay Kapatid na Eli ng iba’t-ibang mga grupo at samahan?

Mga patotoong si Kapatid na Eli ay nagpapagal mula pa noon hanggang ngayon sa pangangaral ng dalisay na aral ng Dios. Sa pagtuturo sa napakaraming mga tao, at sa pagiging isang mabuting ehemplo at mabuting mamayan ng ating lipunan.

Awards [angdatingdaan.org]

July 8, 2007

Salita ng Dios patungo sa kanila…

Filed under: Pamamahayag, Uncategorized — alvinmatias @ 11:24 am

Nakakapagbasa ka ba ng blog ni Bro. Eli Soriano?

Well kung oo ang iyong sagot, good.

Pero once you have read it, there is a feeling na parang gusto mong maipabasa sa iba. Sa kanino? Siempre sa mga loved ones natin, na hindi pa nakakapakinig ng aral ng ating Panginoong Hesus. O nakakapakinig man, ay hindi ba lubos na sumasampalataya. Sa ating mga kaibigan, sa mga kaklase natin, sa mga teacher natin.

Ganun din kasi ang nararamdaman ko, nanghihinayang na hindi mabasa ito ng ibang mga tao. Iyon naman ang layon ng ating Panginoong Hesus diba? Mateo 28:20

Na ituro ninyo sa kanila na kanilang ganapin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo: at narito, ako’y sumasa inyong palagi, hanggang sa katapusan ng sanglibutan.

At bakit sa ating mga kakilala lang? Puede din sa mga kausap natin sa mga forums sa internet, pati sa mga kaaway natin na galit sa atin at sa sino pang maaaring maliwanagan sa pamamagitan nitong blog na ito. Hindi ba ibig ng Dios na lahat ng tao maligtas? 1 Timoteo 2:4

Na siyang may ibig na ang lahat ng mga tao’y mangaligtas, at mangakaalam ng katotohanan.

Gusto mo bang makatulong sa paghahayag ng salita ng Dios sa pamamagitan ng internet? Papaano? Kailangan mong matunan mag DIGG…

Digg? Paano yun?

Kung papaano, alamin at tuklasin sa link sa ibaba…

Digg This [resulta.wordpress]

Blog at WordPress.com.