www.lakbay.wordpress.com

July 24, 2007

Maging Mapalad

Filed under: Bible, Biblia, Computer, Internet, Pamamahayag, Spread the Gospel, Spreading God's Word — alvinmatias @ 7:52 am

Nahiligan ko ang pakikinig ng salita ng Dios nang marinig ko ang pangangaral ni Kapatid na Eli. At sa mahabang panahon, napakaraming naitanim sa puso kong mga talata na nagiging gabay ko sa araw-araw na pamumuhay…

Pero through the years, napatunayan ko na ang pagbabasa ng Biblia ay hindi natatapos sa isang araw o sa isang taon. Siguro mas mabuting sabihin, habang nabubuhay tayo ay kailangan nating basahin ang mga nakasulat dito upang lalo pa tayong matuto sa napakaraming hiwaga at karunungang ibinibigay nito. Lalo pa at may mangangaral tayong tapat at totoo na gaya ni Bro. Eli Soriano. At gaya ng sinasabi ng Biblia sa Apocalipsis 1:3

Mapalad ang bumabasa ng malakas, at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagka’t ang panaho’y malapit na.

Meron ka bang sariling Biblia? Kung meron, magaling. Pero kung matataong nasa harap ka ng computer at may nais kang mabasang talata at wala kang Bibliang dala, wala kang dapat alalahanin. Maaari kang makapagbasa ng Biblia sa pamamagitan lang ng browsing sa net sa addbible.com ng mga Bibliang Tagalog, Hiligaynon, Pampango, Ilocano, Cebuano, Bicol, Waray at even foreign languages like Spanish, Norwegian, German, at ng iba-ibang translation ng English Bible. May bayad? Siempre wala, gaya ng nababasa natin sa Mateo 10:7-8

At samantalang kayo’y nangaglalakad, ay magsipangaral kayo, na mangagsabi, Ang kaharian ng langit ay malapit na. Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad.

Copy paste mo sa mga inaakay mong mga kaibigan ang mga sitas na kailangan nilang marinig. Ako nga minsan, ginagamit ko yang mga sitas sa pakikipagusap sa mga forums sa mga iba-ibang relihiyon na nagkakalat ng kasinugalingan at pandaraya, mga atheista at pati na din sa mga naliligaw ng landas. Kung ang mga tsismis, pinasisikat nila sa web, lalo namang dapat huwag nating ikahiya na maibandila ang salita ng Dios. Gaya nga ng sinasabi ni Pablo sa Roma 1:16

Sapagka’t hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka’t siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa’t sumasampalataya; una’y sa Judio, at gayon din sa Griego.

So basa na tayo at mapasama sa mapapalad…

Biblia[addbible.com]

Written by: Rose Caparas

Blog at WordPress.com.