www.lakbay.wordpress.com

March 12, 2008

Turuan sa Kamusmusan

“Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, At pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.” Kawikaan 22:6

Ito ang katuwirang mababasa natin sa Banal na Kasulatan. Sa gitna ng isang magulong sanglibutan ay makakatanaw tayo ng pagasa para sa mga kabataan. Ang paghubog ng mga musmos na bata sa katuwiran ang kanilang magiging matibay na pundasyon na magiging kasangkapan at giya nila hanggang sa pagtanda.

Salamat sa Dios na dahil sa mga natututunan nating mga ganitong katuwiran at dahil na din sa pangangaral ni Kapatid na Eli Soriano at Kapatid na Daniel Razon ay naipamulat sa atin ang mga ito.

Ngayon hindi na tayo mahihirapan upang turuan ng kabutihan ang ating mga mahal na anak dahil sa programang KNC Show na kinapapalooban ng mga mabubuting aral mula sa Biblia.

Mapapanood natin ang KNC Show sa UNTV37 tuwing Lunes hanggang Biernes, alas-5 hanggang alas-5:30 ng hapon.  At ngayun, pati sa youtube ay maaari na nating mapanood sa youtube.com/kncshow .

Mga magulang at mga bata, tara na, nood na tayo ng KNC Show!

Blog at WordPress.com.