Sa hirap ng buhay ngayun sa ating bansa, hindi ba napasarap mabalitaan na may samahang handang tumuwang sa buhay ng ating mga mahihirap na kababayan?
Sa pagtutulong-tulong ng UNTV Channel 37 at Ang Dating Daan, muli ay inilulunsad ang isa na namang proyektong kapaki-pakinabang para sa mamamayan ng bansang Pilipinas. Ito ay ang “Libreng Sakay” na inihahandog ni Bro. Eli Soriano at ni Bro. Daniel Razon para sa ating lahat.