Nominado ang Blog ni Bro. Eli, let us now vote!
Let us all join hands in this one -
![]()
Bro Eli Soriano’s Truth Blog is now among the five finalists in the OpenWebAwards by Mashable.com, an international award-giving body. His blog was selected by an international panel of judges.

Vote ESoriano.wordpress.com as the Most Educational to Follow. As per contest rules, you can cast one vote daily using your Facebook or Twitter accounts. Deadline of voting is on Dec 13, 2009.

Mashable [vote now]
Hebreo 10:36,38
Maaari niyo po itong iprint at gawing poster sa inyong office, or sa bahay.

Sapagka’t kayo’y nangangailangan ng pagtitiis, upang kung inyong magawa ang kalooban ng Dios, ay magsitanggap kayo ng pangako.
Nguni’t ang aking lingkod na matuwid ay mabubuhay sa pananampalataya: At kung siya ay umurong, ay hindi kalulugdan ng aking kaluluwa.
Hebreo 10:36, 38
Ang Mangangaral na mula sa Dios

Bro. Eli Soriano. Ang mangangaral na nagtuturo ng dalisay na salita ng Dios na walang hinihinging kahit ano pa mang kapalit. Tuklasin pa natin ang maraming hiwaga ng Dios sa pamamagitan ng Kaniyang kasangkapan sa ating panahon.
Kapatid na Eli Soriano.
Turuan sa Kamusmusan
“Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, At pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.” Kawikaan 22:6
Ito ang katuwirang mababasa natin sa Banal na Kasulatan. Sa gitna ng isang magulong sanglibutan ay makakatanaw tayo ng pagasa para sa mga kabataan. Ang paghubog ng mga musmos na bata sa katuwiran ang kanilang magiging matibay na pundasyon na magiging kasangkapan at giya nila hanggang sa pagtanda.
Salamat sa Dios na dahil sa mga natututunan nating mga ganitong katuwiran at dahil na din sa pangangaral ni Kapatid na Eli Soriano at Kapatid na Daniel Razon ay naipamulat sa atin ang mga ito.
Ngayon hindi na tayo mahihirapan upang turuan ng kabutihan ang ating mga mahal na anak dahil sa programang KNC Show na kinapapalooban ng mga mabubuting aral mula sa Biblia.
Mapapanood natin ang KNC Show sa UNTV37 tuwing Lunes hanggang Biernes, alas-5 hanggang alas-5:30 ng hapon. At ngayun, pati sa youtube ay maaari na nating mapanood sa youtube.com/kncshow .
Mga magulang at mga bata, tara na, nood na tayo ng KNC Show!
Minsang Sinabi ng Pantas
Sa napakaraming pagkakataon, nakakaibsan ng maraming alalahanin at bagabag ang mga salitang nadidinig natin na nanggagaling sa isang pantas. Kung maaari lang na maipon sana natin ito at laging mabasa sa mga pagkakataong kinakailangan natin upang maging gabay at paalala. Ngayun, Minsang Sinabi ng Pantas blogsite will answer this problem.
Minsang Sinabi ng Pantas[msnp.wordpress]
Joy Ride
Sa hirap ng buhay ngayun sa ating bansa, hindi ba napasarap mabalitaan na may samahang handang tumuwang sa buhay ng ating mga mahihirap na kababayan?
Sa pagtutulong-tulong ng UNTV Channel 37 at Ang Dating Daan, muli ay inilulunsad ang isa na namang proyektong kapaki-pakinabang para sa mamamayan ng bansang Pilipinas. Ito ay ang “Libreng Sakay” na inihahandog ni Bro. Eli Soriano at ni Bro. Daniel Razon para sa ating lahat.
My Tone
To Download – “GOOD MORNING KUYA” theme song – For Globe and Sun Subscribers — Monotone – Type TONE (SPACE) GMK send to 2346 — Polytone – Type POLY (SPACE) GMK send to 2346
for KAAGAPAY
for KASANGABAHAY
for KONEK
(ID SHOULD BE CAPITALIZED)
For CALLER RINGBACK TONE – Smart subscribers — TYPE KAAGAPAY/KASANGBAHAY/KONEK send to 286
Thanks to Rodel Flordeliz’s YM Message.
Good Morning Kuya!!!
Kuya Daniel Razon has just launched this morning his new morning TV show, still at UNTV37, entitled “Good Morning Kuya!” Still reeling from yesterday’s successful 3G event, Razon was in a great mood showing around the TV audience inside the studio. Although the show was obviously still in its infancy stage you could see Razon’s innovative blueprint already at work and I wouldn’t be surprised if the bigger networks once again borrow some of his ideas and claim it as their own…(like what they did to early weekend morning day-starter “Kami Naman!” which boast of a first-in-its-class format called Live Magazine Sitcom!)…
Read Journeyist’s blog as he discuss more about Kuya Daniel’s new show. Share in your comments.
Maging Mapalad
Nahiligan ko ang pakikinig ng salita ng Dios nang marinig ko ang pangangaral ni Kapatid na Eli. At sa mahabang panahon, napakaraming naitanim sa puso kong mga talata na nagiging gabay ko sa araw-araw na pamumuhay…
Pero through the years, napatunayan ko na ang pagbabasa ng Biblia ay hindi natatapos sa isang araw o sa isang taon. Siguro mas mabuting sabihin, habang nabubuhay tayo ay kailangan nating basahin ang mga nakasulat dito upang lalo pa tayong matuto sa napakaraming hiwaga at karunungang ibinibigay nito. Lalo pa at may mangangaral tayong tapat at totoo na gaya ni Bro. Eli Soriano. At gaya ng sinasabi ng Biblia sa Apocalipsis 1:3
Mapalad ang bumabasa ng malakas, at ang nangakikinig ng mga salita ng hula, at tumutupad ng mga bagay na nangasusulat doon: sapagka’t ang panaho’y malapit na.
Meron ka bang sariling Biblia? Kung meron, magaling. Pero kung matataong nasa harap ka ng computer at may nais kang mabasang talata at wala kang Bibliang dala, wala kang dapat alalahanin. Maaari kang makapagbasa ng Biblia sa pamamagitan lang ng browsing sa net sa addbible.com ng mga Bibliang Tagalog, Hiligaynon, Pampango, Ilocano, Cebuano, Bicol, Waray at even foreign languages like Spanish, Norwegian, German, at ng iba-ibang translation ng English Bible. May bayad? Siempre wala, gaya ng nababasa natin sa Mateo 10:7-8
At samantalang kayo’y nangaglalakad, ay magsipangaral kayo, na mangagsabi, Ang kaharian ng langit ay malapit na. Mangagpagaling kayo ng mga may sakit, mangagpabangon kayo ng mga patay, mangaglinis kayo ng mga ketong, mangagpalabas kayo ng mga demonio: tinanggap ninyong walang bayad, ay ibigay ninyong walang bayad.
Copy paste mo sa mga inaakay mong mga kaibigan ang mga sitas na kailangan nilang marinig. Ako nga minsan, ginagamit ko yang mga sitas sa pakikipagusap sa mga forums sa mga iba-ibang relihiyon na nagkakalat ng kasinugalingan at pandaraya, mga atheista at pati na din sa mga naliligaw ng landas. Kung ang mga tsismis, pinasisikat nila sa web, lalo namang dapat huwag nating ikahiya na maibandila ang salita ng Dios. Gaya nga ng sinasabi ni Pablo sa Roma 1:16
Sapagka’t hindi ko ikinahihiya ang evangelio: sapagka’t siyang kapangyarihan ng Dios sa ikaliligtas ng bawa’t sumasampalataya; una’y sa Judio, at gayon din sa Griego.
So basa na tayo at mapasama sa mapapalad…
Biblia[addbible.com]
Written by: Rose Caparas